
- Ang Keep People Housed - Solano County Homelessness Prevention Program (Panatilihing May Tirahan ang mga Tao - Programa sa Pag-iwas sa Kawalang Tirahan sa Solano County) ay nagbibigay ng pansamantalang tulong at mga serbisyong pinansiyal sa mga karapat-dapat na residente ng Solano County na lubos na nanganganib na mawalan ng tirahan o pabahay. Maaaring kabilang sa tulong ang pambayad sa naipong utang sa pag-upa, gastos sa paglipat-bahay, tulong sa pag-upa, mga utility, at iba pang gastusing may kinalaman sa pabahay. Ang mga sambahayang isinasapriyoridad na matulungan ay kailangang handang gumamit ng mga serbisyong nakatuon sa pabahay sa loob ng hanggang anim na buwan o higit pa, depende sa sitwasyon ng sambahayan.
- Kahit na matugunan ang lahat ng pamantayan sa pagkakarapat-dapat, hindi pa rin garantisadong makakukuha ng tulong pinansiyal. Dahil sa limitadong mapagkukunan ng tulong, tanging mga aplikante lang na pinakananganganib na mawalan ng tirahan o pabahay ang isasapriyoridad na matulungan. Nagbibigay ang programa ng pansamantalang tulong, at maaaring hindi nito masaklaw ang lahat ng gastusin sa utang ng isang sambahayan.
- Pakitandaan na hindi sasaklawin ng programa ang alinmang gastusing nasaklaw na ng iba pang programa ng suportang pinansiyal.
Kung parehong angkop sa iyo ang sumusunod, I-CLICK ANG SUSUNOD SA IBABA:
- Naninirahan ka sa Solano County.
- Nakaamba ang panganib na mawalan ka ng pabahay dahil sa kamakailang suliraning pinansiyal o iba pang suliranin.
Kung makatatanggap ka ng anumang papeles ng korte para sa pagpapalayas na nagsasabi sa iyo na kailangan mo nang umalis sa iyong kasalukuyang tahanan, agad na makipag-ugnayan sa isa sa mga legal na tagapagbigay-serbisyong nakalista sa ibaba:
Legal Services of Northern California: https://lsnc.net/office/vallejo
ALERTO: Kung may nag-aalok ng tulong sa pagkumpleto ng application na ito nang may bayad, mangyaring iulat sila sa Mai Vang, 916-251-9565, mai.vang@uwccr.org. WALANG bayad para isumite ang aplikasyong ito. Makakakuha ka ng tulong upang makumpleto ang aplikasyon sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Mai Vang, 916-251-9565, mai.vang@uwccr.org.